Ang Kuwento ng Ibong Adarna
magayon's blogs
Thursday, February 16, 2012
Alamat
Sa isang lupain ng sariwa, maraming na may kanya- kanyang kagandahang taglay ay nakatira doon.Subalit may isang gulay na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di mapaliwanag.Isang araw may nabuo siyang isang maitim na balak.Nang sumpait and gabi,kinuha ni Ampalaya ang lahat ng mga magagandang katangian ng mga gulay.Nung napansin ng mga gulay ang mga sarili nila at si Ampalya. Nagalit ang mga ito at sinumbong nla ng pagnanakaw si Ampalaya.Dahil dito,binalik ni Ampalaya ang lahat ng mga magagandang katangian ng mga gulay.Subalit, nang nakalipas ang ilang sandili ay nagbago ang anyo ni Ampalaya.Ang balat niya ay kumulubot at ang lasa niya ay pumait dahil sa ginawa niya.
Alamat
Ang Alamat ng Lansones - Legend of the Lanzones
Napatunayan nilang lason ang mga bunga nang isang araw ay may napadpad na manlalakbay sa kanilang bayan. Dahil sa pagod, naupo ang matanda sa ilalim ng nasabing puno upang makapagpahinga. Nang makita ng manlalakbay ang mga nakasabit na bunga ay bigla niyang naalala ang kanyang gutom at pumitas ng mga ito.
May isa sa mga taong bayan ang nakakita nang isubo ng matanda ang bunga. Tinangka niya itong pigilan ngunit huli na ng naabutan niya ang matanda. Nakain na nito ang lasong bunga at unti-unti na itong nangingisay at bumubula ang bibig. Dahil sa pangyayaring ito, mas lalong natakot ang mga taong bayan na lumapit sa puno.
Sumapit ang isang matinding tagtuyot sa lugar. Namatay ang mga pananim at ang tanging natira ay ang mga lasong puno na hitik na hitik sa bunga. Taimtim na nag-dasal ang mga taong bayan na matapos na sana ang tagtuyot upang sila ay muling makapagtanim at makapag-ani ng makakain sapagkat malapit ng maubos ang naka-imbak nilang pagkain.
Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at kumatok sa mga pintuan ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng makakain. Ngunit walang maibigay ang mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain. Isang bata ang lumapit sa magandang babae at nagbigay ng kapiranggot na makakain. Pagpasensyahan na daw niya ito dahil iyon na lamang ang natitira niyang pagkain.
Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. Pinanood ng bata ang babae habang ito ay kumakain. Pagkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata kung bakit nila nasabing salat sila sa pagkain samantalang marami namang bunga ang kanilang mga punong-kahoy. Ikinuwento ng bata sa babae na lason ang mga bungang ito. Napangiti ang babae at umiling ito.
Pumitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. Bago pa man napigilan ng bata ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga. Nagtaka ang bata sapagkat walang nangyari sa babae; sa halip nakangiti nitong ibinigay ang prutas sa bata na siya namang tinikman din ang bunga.
Masarap at manamis-namis ang prutas. Sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at tinawag ang mga kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang mga taong bayan. Noong una ayaw nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay tinikman din nila ito at napag-alaman ngang matamis ang bunga. Hinanap nila ang magandang babae upang pasalamatan ngunit wala na ito.
Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga. Simula ang dating "lason" ay naging "lansones".
Pabula
ANG ASO AT ANG PUSA
Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas.
Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.
Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig.
Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita.
“Ibigay mo na ang aking gantimpala.”
Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na wari pang nanunumbat.
GINTONG ARAL MULA SA PABULANG ITO:
Nararapat lamang na tuparin natin ang ating ipinangako at nang sa gayon ay igalang tayo ng ibang tao.
SALAWIKAIN MULA SA PABULANG ITO:
1. Ang taong sinungaling dapat maging matandain; sa nilubid niyang daing siya’y mahahalata rin.
2. Pag pinatulan mo ang munting kaaway malamang na ikaw pa ang masaktan.
3. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
4. Ang utang na loob magpakaliit man, utang at utang din kahit mabayaran, sa pakitang loob at tapat na damay ay walang salaping sukat maitimbang.
5. Hindi mo dapat asahan ang pangako ng kaaway.
Wednesday, February 15, 2012
Mga uri ng pangungusap
Mga Uri ng Pangungusap
1. Pangungusap na pasalaysay- ito ay pangungusap na nagpapahiwatig o nagsasalaysay.Ito ay nagtatapos bantas na tuldok(.)
Halimbawa:Ako ay pupunta sa palengke.
2.Pangungusap na Patanong- ito ay pangungusap na nagtatanong.Ito ay nagtatapos sa bantas na tandang pananong(?)
Halimbawa: Saan ka pupunta?
3. Pangungusap na Padamdam- ito ay pangungusap na nagpapahiwatig ng matinding damdamin tulad ng pagkagulat,pagkabigla o natatakot.Ito ay nagtatapos sa bantas na tandang padamdam (!)
Halimbawa: Naku!nabasag ang plato.
4. Pangungusap na Pautos o Pakiusap - ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng pag-uutos.Ang pangungusap na pakiusap ay gumagamit ng salitang paki.Gumagamit ito ng bantas na tuldok (.)
Halimbawa: Pangungusap na Pautos: Kunin mo ang bag ko.
Pangungusap na Pakiusap: Pakikuha mo ang bag ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)